Tuloy ang MMOM USA medical mission sa RDH ngayong Pebrero 10–14; postponed naman ang PMA Michigan medical mission sa RPH

Jose Rizal M. Reyes
6 min readFeb 3, 2020

--

“MMOM is definitely a GO,” ito ang pahayag ni Anne Miñon Manong pagkatapos nyang kontakin ang kanyang mga kaibigan at kakilala sa MMOM USA medical mission na nakatakdang dumating sa Romblon, Romblon ngayong Pebrero at magsasagawa sa Romblon District Hospital (RDH) ng libreng serbisyong medikal, dental at optometri mula Pebrero 10 hanggang 14.

Nagpalabas na rin ang FB page Gising Romblon ng isang pahayag na nagsasabing tuloy nga ang MMOM medical mission sa RDH. Ang nasabing FB page ay maituturing na semi-official mouthpiece para sa tanggapan ni Kong. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona.

Tuloy ang MMOM medical mission, pahayag ng Gising Romblon — isang FB page na maituturing na semi-official mouthpiece ng tanggapan ni Kong. Budoy Madrona.

Kabaliktaran naman ang balitang nakalap natin mula sa isa pang medikal misyon na darating sana sa Odiongan ngayon ring buwan ng Pebrero.

“We are all disappointed and saddened that we have to cancel the mission to another safer date,” ito naman ang mensaheng ipinarating ng Philippine Medical Association of Michigan hinggil naman sa medikal misyon na nakatakda sanang isagawa nila sa Romblon Provincial Hospital (RPH) sa Odiongan sa Pebrero 10–13, halos kasabay ng MMOM medical mission sa RDH.

Ito po ang full text ng mensahe mula sa PMA Michigan na ibinahagi sa atin ni provincial administrator Lizette Mortel:

Good day po sa inyong lahat.

The Philippine Medical Association of Michigan had emergency meeting today regarding our upcoming PMAM Medical, Surgical and Dental Mission in Odiongan, Romblon this February 10–13, 2020.

We are all set for our flights and our equipment and supplies are already shipped to Odiongan.

It is an unforeseen event and we are all disappointed and saddened that we have to cancel the mission to another safer date.

As an organization PMAM we have to make this difficult decision ensuring the safety and well-being of our missionaries and our kababayans as well.

We all have to be careful and safe as to the Coronavirus as there is a chance that we will be quarantine when we go back to the US

From the PMAM medical, surgical and dental group and Doc Jackie

Mapapansin po na yong pagkansela eh hindi talaga kontodong pagkansela kundi isa lamang postponement. “We are all disappointed and saddened that we have to cancel the mission to another safer date.” O di ba, gusto lang nila ng isang mas ligtas na panahon, hindi ngayong mga araw na nagugulimihanan ang buong mundo tungkol sa panganib ng novel coronavirus na nagsimula sa Wuhan, capital city ng Hubei province, China.

Sa aking palagay, ang nagbunsod sa PMA Michigan na ipostponed yong medikal misyon nila sa RPH ay yong balita kahapon, Pebrero 2, na ang Pilipinas ang unang bansa liban sa Tsina na namatayan dahil sa novel coronavirus. Hindi naman po Pilipino ang namatay kundi isang Chinese national. Gayonpaman, dito sya namatay sa ating arkipelago kaya itong dubious distinction na ito ay maaaring magdulot ng negatibong resulta.

Maaaring nalaman din ng PMA Michigan ang nangyari sa apat na turistang Tsino na dumating sa Tablas noong January 31 mula sa Hubei province ng Tsina — ang ground-zero ng novel coronavirus, partikular ang capital city nitong Wuhan. Naka-quarantine na ngayon sa San Andres Municipal Hospital ang nasabing mga Tsino at sila ay mananatili roon sa loob ng 14 na araw. (Para sa karagdagang detalye, basahin ang Latest status of the 4 Chinese tourists from the locked-down China province of Hubei who came to Tablas island.)

Sa panahon ng Internet at cellphone, mabilis kumalat ang balita. Maraming kasimanwa natin ang may direct personal contact sa PMA Michigan at pati sa MMOM USA. Sa totoo, isang tubong Odiongan ay kasali sa naudlot na pagdating ng PMA Michigan medical mission. Anak umano ni Anding Fabello. Kung hindi ako nagkakamali, ama sya ng elementary classmate ko na si Christiemarie, na napangasawa ang kaklase rin naming si Fred Perito. Nurse si Christie pero doktor umano yong darating sana. Kung hindi sya, maaaring yong nakakabata nyang kapatid dahil kung tama ang aking pagkaalala, dalawa silang magkapatid, kapwa babae.

Tulad ng nasabi ko na minsan, tama lang na maghanda tayo para harapin ang problema ng novel coronavirus; gayonpaman, di dapat sobra-sobra ang ating pag-alala kasi baka yong pag-alala mismo ang maging sanhi ng ating karamdaman. Huwag nating kalimotan na yong SARS at MERS noon eh naghasik ng malawakang sindak, takot, pangamba at pag-aalala sa buong mundo subalit ang nakaambang panganib ay bigla ring naglaho na parang bula.

Nagsikap tayong linawin ang isyu ng kanselasyon bunsod ng isang FB post ni Miles Fabella Fabula na nagsasabing kanselado ang medical missions sa RPH at RDH dahil sa novel coronavirus.

Napag-alaman rin natin na inanunsyo ang kanselasyon ni Dr. Benedict Anatalio, RPH chief, sa isang flag ceremony kamakailan. Most likely, ngayong araw yon (Pebrero 3) nangyari kasi Lunes karaniwan ang flag ceremony. Kaya mainit init pa talaga ang isyu o balitang ito, fresh from the oven. Kung baga sa manok, one day old chick. Hindi lang malinaw kung aling medical misyon ang tinukoy ni Dr. Anatalio — ang para lang ba sa RPH o isinali rin nya ba ang RDH?

Sa mga nagtatanong: Tama ba ang pag-handle ni Dr. Benedict Anatalio, ang RPH chief of hospital, sa maselang bagay na ganito — yong ianunsyo sa isang flag ceremony? May sapat bang pormalidad, propesyonalismo at pagmamalasakit ang kanyang ginawa? Ang masasabi ko lang po: Hayaan na lang natin na ang traditional media at concerned netizens ang magbigay ng kanilang pananaw.

Romblon District Hospital in Romblon, Romblon. The Medical Mission of Mercy USA will undertake a medical mission in this venue on February 10–14, 2020. (Photo from PIA)
CLEFT LIP AND PALATE SPECIALIST: Dr. Joseph M. Azardon and his wife, pediatrician Catherine Panlilio Arzadon. Joseph will head the medical team that will undertake cleft lip and palate surgical operations at the Romblon District Hospital in the capital town of Romblon on February 10–14, 2020. Both are coming to Romblon. They met each other during a medical mission organized by his friends. For their love story, read LOVE STORY BORN IN A PH MEDICAL MISSION.

Ano’t anopaman, tuloy ang medikal misyon sa RDH ayon sa pagkaiskedyul nito. Kaya, minsan pa, hayaan nating ilatag rito ang mga serbisyong inaaalok sa ating mga kasimanwa ng libre.

❤ VISITING PHYSICIANS: Medical Mission of Mercy from Virginia, USA

✔ VENUE: Romblon District Hospital (RDH) / Romblon, Romblon

✔ INCLUSIVE DATES: February 10–14, 2020

✔ MAJOR SURGERIES: Mastectomy (removing one or both breasts, partially or completely), herniorrhaphy (hernia repair), hydrocoelectomy (removal of a fluid balloon around the testicle), cholecystectomy (gallbladder removal), head and neck mass tumors, and plastic surgery for those with cleft lip and cleft palate (bungi at ngongo). Contrary to an earlier report, they will not perform thyroidectomy (removal of the thyroid gland by surgery).

✔ OTHER SERVICES: Minor surgeries like excision or removal of lumps, cysts and bumps; circumcision; and wound debridement (removal of dead, damaged, or infected tissue). They can also provide services in optometry (for those with eye problems) and dental health (consultation, tooth extraction, and prophylaxis or cleaning of teeth for disease prevention).

Kung meron kayong pasyente, pwede pa pong magpalista. Habang may panahon pa, balitaan nyo tungkol sa medikal misyon ang mga maysakit nyong kamag-anak, kapitbahay, kabaranggay, kaibigan o kakilala. Matutuwa po sila sa inyo sakaling kailangan nila ang medical service at napasali sila sa mga pasyenteng gagamotin.

(As updated February 3, 2020 at 8:44 P.M.)

Other Romblon-related articles:

--

--

Jose Rizal M. Reyes
Jose Rizal M. Reyes

Written by Jose Rizal M. Reyes

Jose is a poet-philosopher. He writes poems and essays. He is best known as the inventor of many new sonnet rhyme schemes being used today around the world.

No responses yet