Tropang Alolong not intellectually equipped to challenge Team Botika in the field of PR and propaganda
masyado silang asa sa style ni Joseph Goebbels
Masusustini ba ang libreng gamot sa mga ospital ng Romblon? Matutupad ba ng Team Botika ang mga ipinangako noong nakaraang halalan? May maipapakita bang galing sa pamamahala ang Riano administration at ito ba ay mababanaag sa loob ng 100ng araw?
Kumpyansa kong masasagot ng positibo ang ganyang mga katanongan. Alam ko kasing pagtutulongang babalugbogin ang mga problema ng ating lalawigan — lalo na sa larangan ng kalusogan — ng pinagsanib na pwersa ng Office of the Governor, Sangguniang Panlalawigan, Office of the Congressman, DOH-Mimaropa at iba pang mga indibidwal, ahensya at organisasyon. Di lang ako malayang makapagbigay ng maraming detalye kasi yong mga sources ko ang gusto ay confidential muna ang ilang bagay.
Maaaring naghihintay lang sila ng perfect timing. You know, timing can spell the difference between success and failure, between victory and defeat, between easy sailing and uphill struggle.
Maaari ring maingat lang talaga sa ngayon ang mga opisyales at mga personalidad pagdating sa social media. Sino ang hindi? Kahit mga pribadong tao ay andap madawit, makaladkad o masali sa pinag-uusapan sa social media lalo pa kung sa negatibong paraan. Kunsabagay, kung noong araw nga eh isang malaking concern na ang press para sa mga politiko nung kakaunti lang ang mga journalists na pakikisamahan, eh di lalo na ngayong sangkaterba ang netizens na nagpo-post sa social media (mostly Facebook tehehe).
Kung kaya, pag-usapan muna natin ng konti ang Tropang Alolong. Yan syempre ay hingwar (name calling) o hayo (monicker) lang nila. Kami man ay hinihingwaran nila na “Budoyans” at “Botiki”. Dati pa nga “Budoy Budoy” ang tawag nila sa amin.
Kapag nais nyo ng mas pormal na pangalan, pwede natin silang tawaging “social media supporters of the Romblon provincial branch of the Liberal Party”. Mas lalong di maintindihan, di ba? Paano kaya kung tawagin natin silang “keyboard warriors ng Team Sulong Romblon”? Pwede rin sigurong “yong tropa sa kabilang luyo”. O kaya ay “yong tropa nina alias Josephine Fallaria, alias Fine Faderog Cariaga, May Lyn at Caleb Tibio, Mylene Otis, Nick Ferrer, Dudz Ganan, Caleb Tibio, Nette Gonzales, Ghie Roa, alias Almedia Serv, the Fradejases, RJ Fadriquela, Kin Fajiculay, alias Alicia Moreno Fabian (dating alias Madro Budiday na taga-Liwanag nung di pa sya natutuli)at alias Nox Nix”. Ayan, pasensya na yong mga hindi nabanggit.
English-Tagalog ang gamitin natin para madali at relaks lang ang ating talakayan hehe. Meron kasing mga ideya na mas madali at mas malinaw ipahayag sa English at meron ring mga ideya na mas madali at mas malinaw na ipahayag sa Tagalog. Yon lang yon.
Kung mas madali at mas malinaw na ipahayag ang ideya sa Asi, Ini o kaya ay Onhan, eh di yon ang gagamitin kong lenggwahe! Kaya nga ba ke Tagalog, ke Ingglis ang gamit kong lenggwahe sa pagsulat, bigla na lang akong gagamit ng salitang atin — halimbawa “nagkakagubot”, “buduboy to the max”, “sa kabilang luyo” o kaya ay “come here odi”. O di ba, masaya? Meron kasing mga salita sa ating local languages na hindi maipahayag ng eksakto sa ibang lenggwahe.
I am setting the example of self-assured confidence for Romblomanons vis a vis fellow Filipinos and the rest of mankind. I want my provincemates to be proud of Romblon and to feel cozy about our place in the world. Dapat may kumpyansya tayong gumamit ng local words na pangrekado sa ating mga panulat sa Tagalog at maging sa Ingglis. Bakit, sila lang ba ang may karapatan?
Punta tayo sa ating paksa — Tropang Alolong not intellectually equipped to challenge Team Botika in the field of PR and propaganda. Totoo yan. Masyado kasing umaasa sa Goebbels-style propaganda ang kanilang keyboard warriors. Epektibo yan pag kontrolado mo ang daloy ng impormasyon tulad noong panahon ng Nazi Germany ni Adolf Hitler o noong panahon ng Martial Law ni Ferdinand Marcos. Pwede ring tulad noong panahon ni Josef Stalin ng USSR. Pero hindi eh. Halos lahat ngayong tao ay may access sa social media at pwedeng magpalabas ng kani-kanilang sariling bersyon ng realidad o katotohanan.
Isang magandang halimbawa eh yong status ng mga ospital at serbisyong pangkalusogan noong nakaraang administrasyon. Ilang buwan bago magsimula ang campaign period para sa May 13, 2019 elections, meron pa ang Tropang Alolong ng before and after comparison, complete with pictures. Ipinakita nila ang improvements kuno sa ating mga ospital at serbisyong pangkalusogan sa ilalim ng napakagaling at multi-awarded governor na si Lolong Firmalo. Tas may 40 doctors pa raw sa RPH at 25 doctors naman sa iba pang mga ospital sa lalawigan. Mantakin mo yan, 65 doctors pero maraming pasyente at mga pamilya nila ang nagrereklamo na wala ni isang manggagamot na nag-aasikaso sa kanila!
Liban pa dyan, kwinestyon nila kung bakit nais pa raw bumalik sa pwesto si Budoy Madrona. Wala naman daw itong nagawa sa hinaba-haba ng kanyang panunungkolan.
Pag nagulat nila ang grupo nina Budoy, Otik at Arming eh iniwasan sana ng mga ito ang usaping pang-ospital at pangkalusogan. Pero hindi ganun ang nangyari — embes na magulat, ni-adopt pa nila ang hospitals and health services bilang pangunahing isyu ng eleksyon. Obvious naman yan sa pangalan pa lang ng kanilang grupo, di ba? — Team Botika. Kung kaya’t ang dalawang kampo politikal ay doon sa isyung yon nagbalugbogan. Tas nagpakita ang Team Botika ng mga larawang nagpapatunay ng kanilang sangkaterbang accomplishments sa larangan ng infrastructure. And the rest is history.
Dagdagan pa natin ang pagtalakay para mas malinaw nating masipat ang sitwasyon. Noong panahon ng eleksyon, di sila nakuntentong ibandilyo sa buong banwa na may kaso si Budoy Madrona. Ipanamalita pa nila na convicted na raw ito. Bale inaakusahan at nililitis pa lang si Budoy sa hukoman, nahatolan na agad ng kanilang mga dila.
Isa pang ilustrasyon kung gaano sila kapalpak mag-handle ng datos ay nung kanilang ipinamalita na “kumabig” daw si Cong. Toto Madrona ng P4.7 billion pork. Sa biglang tingin, parang ibinulsa ni Cong. Toto yong sandamukal na pera. Yon pala ang ibig sabihin lang eh naka-secure ang dating konggresman ng tumataginting na P4.7 bilyong pondo para sa Romblon. Embes na intrigahin, dapat palakpakan, di ba?
Gayonpaman, dapat pasalamatan ang mga nagbalita ng mali-mali kasi nakatulong silang magpalaganap ng impormasyon na si Toto Madrona pala ay maraming nakalap na pondo para sa ating lalawigan.
Lumalabas na ang halagang P4.747 billion ay infrastructure allotment insertions lang. Maliban pa ito doon sa P2.023 bilyong regular na pondo para sa Romblon. (Malamang kasama na rito yong IRA ng LGUs pati na siguro yong P60 million allocation para sa disposisyon ng konggresman, correct me if I’m wrong.) Kaya umabot sana sa P6.77 bilyon ang nakatoka lahat-lahat para sa ating lalawigan para sa taong 2019. Ang siste, nagkaroon ng shake-up sa liderato ng Kamara. Bumaba sa pwesto si Pantaleon Alvarez at pumalit sa kanya si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Nasilip ng bagong liderato ng Kamara ang napakalaking pondo para sa Romblon (pangalawa lamang sa laki ng pondong makukuha sana ni ex-Speaker Pantaleon Alvarez). Nalagay ang ating lion’s share sa bayag ng alanganin.
Gayonpaman, ipinaglaban ng magkapatid na Madrona na hindi mawala yong congressional insertions para sa Romblon — kung mabawasan man ay hindi naman lahat lahat sana. Pagkatapos ng halalan nung Mayo 13, nagkaroon na naman ng reorganisasyon sa Kamara at naupo bilang House Speaker si Cong. Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros na kapartido ni Cong. Budoy Madrona sa Nacionalista Party. Kaya tila maganda ang tsansa na hindi madedehado ang Romblon at baka mapreserba yong pondong nasungkit noong panahon ni Cong. Toto Madrona.
Maliit lang ang ating probinsya (sabi nila at sa akala rin natin)at baka maapi ng husto kaya dapat makabawi man lang tayo sa pamamagitan ng mas malaking pondo mula sa national government lalo pa’t kakarampot lang ang ating napaparte noong mga unang panahon.
Subalit kung tutuosin, deserve talaga natin ang bigger share ng national budget kasi sa katotohanan, isa tayo sa pinakamalaking lalawigan ng Pilipinas. Bakit nagkaganoon? Eh si Pres. Fidel V. Ramos mismo ang nagsabi nyan noong kanyang kapanahonan nang dalawin nya ang Romblon, Romblon at doon ay nagtalumpati. Yan ay kung isama sa sumada ang kanya-kanyang territorial waters. At dapat lang kasi tungkolin ng isang lalawigan na pangalagaan hindi lang ang kalupaan kundi pati ang karagatan.Saka kung lupa lang ang pag-usapan, may lupa rin sa ilalim ng dagat, di po ba?
Ang tanong: bakit ba ang mga kritiko ng Madrona brothers ay tila matutuwa pa kung sakaling walang extra pondong makuha ang Romblon? Para bagang wala silang malasakit sa interes ng Romblon at sa kapakanan ng mga Romblomanon.
Ngayon, mag-analyze tayo ng konti. Dahil sinabi nila nung panahon ng eleksyon na convicted si Budoy Madrona sa kasong graft, humina tuloy ang impact ng balita na may nakasampang kaso laban kay Budoy. Embes kasi na ang isip ng tao ay matuon doon sa balitang may kaso pala si Budoy, nabaling tuloy doon sa debate na hindi pa naman pala convicted kundi akusado lang at syempre merong presumption of innocence. Kaya hayun, nakabwelta agad ang maka-Budoy dahil nga dinugtongan nila ang katotohanan ng buntot na kasinungalingan.
Tungkol sa mga kaso-kaso, ang maipapayo siguro natin sa kanila ay huwag nang intindihin masyado ang kaso ni Budoy. Ang dapat nilang problemahin ay ang mga kasong isasampa o nakasampa na laban sa kanilang mga kaalyado. Isang reliable source ko sa Kapitolyo ang nakapagsabi na pag si ex-Gov. Lolong Firmalo daw ay talagang hahabolin, andami raw kasong pwedeng isampa laban sa kanya.
Doon naman sa paratang na walang nagawa si Budoy Madrona sa hinaba-haba ng kanyang panunungkolan, embes na ito ay nakasira ay nagbigay pa ito ng napakagandang bwelo ng ipresenta ng Team Botika ang mga pruweba (o mga larawan) ng kanilang sangkaterbang infrastructure projects.
Kaya dapat talagang mag-ingat sa paghabi ng kasinungalingan o kahit sa pagdugtong o paghalo nito sayong mga pinagsasabi sapagkat embes na makatulong sa mga sinungaling ay pwedeng lalo pa silang mapapahamak o malagay sa disadvantage.
Kahit sa pagpuri sa ating mga lider, dapat maging honest and truthful tayo. Huwag tayong OA o korni. Halimbawa sa pagpapakilala sa pistahan o programa, madalas nating marinig: “Ang ating minamahal na (sabihin ang pwesto at pangalan ng opisyal)”. Heh, tumigil ka! Pag wala na sya sa pwesto, sasabihin mo pa rin ba sa publiko na “Ang ating minamahal na dating (isaad ang pwesto at pangalan)”?
Huwag rin tayong bolero o bolera. Pag wala naman syang birtud o galing o accomplishment sa isang bagay eh huwag mong purihin doon. Magtyaga kang maghanap ng maganda nyang katangian at doon mo sya purihin. (Grabe naman kung wala kang makita, iabandona mo na ang ganyan kawalang kwentang lider!) Wala pang makakontra sayo kasi totoo yong sinasabi mo. Pero pag ikaw ay nagsisinungaling o nambobola-bola lamang, baka may bumaliktad ng iyong sinabi — eh di pati yong pinupuri mong lider ay mapahiya tuloy.
If your leaders themselves want to be praised or known for some virtue, trait, ability or accomplishment — then they should earn it, they should show it, they should deserve it. It’s as simple as that. That’s the way it should be.
Pwede bang mag-improve ang Tropang Alolong sa kanilang performance sa social media? Pwede bang maging mas matindi ang epekto ng kanilang PR and propaganda activities? Pwede naman, bakit hindi — super improve pa kamo. Pero dapat silang matutong maging mas truthful. Mahirap gawin yan, baka sa akala nyo. Subokan nyong dumepensa at umatake ng base lang sa katotohanan, ng walang inimbentong kasinungalingan. Mahirap yan gawin … pero in the long-run yan lang ang paraan para maging tunay na matibay sa paninindigan at sa balitaktakan.
Ang tawag dyan ng mga Bombay ay “satyagraha” (force of truth), isang konsepto na pinasikat ni Mahatma Gandhi (1869–1948) ng pangunahan nya ang mapayapang pagrebelde kontra sa Gran Britanya. Ang totoo, kahit nung panahon pa lang ni Emperor Asoka (304 BC-232 BC) eh matagal nang naniniwala ang mga Bombay sa kapangyarihan ng katotohanan. Mantakin mo, nasaksihan mismo ng dakilang emperor na ang Ganges River ay umagos pabalik sapagkat ang isang retired courtesan ay naging makatotohanan sa kanyang pagganap ng kanyang papel sa buhay at ito ay kanyang matapat na ikwinento!
“Truth will win in the end if you have the courage to proclaim it.” Yan ang sinabi ng isang Guro ng mga Guro na di ko makakalimotan.
Madali lang kasi ang magsinungaling. Di mo na kailangan ang facts, di mo na kailangan ng matalas na memorya, di mo need ang flawless logic, di mo need ang painstaking research and study, gawa gawa ka na lang ng kwento, ayos na. Kaya tuloy nagiging tamad ka sa pag-iisip dahil kailangan ng sipag at tiyaga para ka mag-isip ng ayon sa linya ng katotohanan. Pag naging tamad sa pag-iisip, ang resulta ay ang paghina ng iyong powers sa pagdepensa at pag-atake. Dagdag pa rito, pag nabantog kang sinungaling, hindi pagkakatiwalaan ng mga tao ang iyong sinasabi.
“Truth is stronger than fiction” — Yan ang prinsipyong aking sinunod nung mag-isa kong balugbogin ang flamers at flame masters sa Mobius Forum circa 2004. Bale yong Mobius Forums eh bulletin board ng mga manlalaro ng Mu Philippines. Alam yan ni Boquiel Martinez na katribu nina May Lyn at Mylene. Mu player kasi sya at kaalyado ko sa laro. Noon ko naimbento ang counterflaming bilang pangontra sa flaming techniques ng mga sutil.
Kaya nung nag-join ako sa MySpace circa 2007 kung saan maraming makatang banyaga na mahilig sa flaming (lalo na ang mga Anglo-Saxon), nagtataka sila kung bakit ako lubhang panatag, mapayapa akong nagpoposte habang nagkakagubot sa paligid. Eh papano, nasanay na ako sa mga Pinoy flamers na mas tantarado pa sa kanila!
Mas madali pati para sa akin ang flaming kesa serious debate. Pag magaling ka gumamit ng mga salita, kawawa yong mga kalaban mong flamers. Lalo pa kung gamay mo ang pagtula-tula na deadly kung gamiting pangkantyaw o pang-asar. Kahit isa pang platoon sila kaya mong harapin ng sabay-sabay! Pero pag seryosong debate, nakupo, kailangan mong sigurado yong sinasabi mo, kailangan mong i-check muna ang facts and figures, kailangang may logic yong sinasabi mo. Kaya nga ba’t mas nahihirapan akong makipagdebate doon sa Philosophy groups sa MySpace (kumpara sa Poetry groups) kasi one-to-sawa sila makipagtalo at di ka lang basta-basta makapagbitaw ng kung ano-anong salita!
Ang punto ko lang dito, kung maigting ang mga sinungaling sa kanilang pagsisinungaling at seryoso rin ang matinong tao sa pagsabi ng katotohanan, di naman sa palagay ko maaagrabyado yong taong ang dila ay walang hiwa sa gitna.
Election is not a flaming contest nor a pissing contest nor a taunting contest. More than anything else, election is a battle for the hearts and minds of the voters.
Isa pang mahalagang punto, ang halalan ay hindi flaming contest, hindi asaran contest, hindi kantyawan contest. Higit sa kung anopaman, ang halalan ay laban para sa puso at isip ng mga botante. Kaya nga ba’t di ko inambisyon na magbida-bida sa flaming sapagkat alam ko na kahit matubor mong mag-isa ang lahat ng kalaban, wala ring kwenta ito kung hindi mo nakumbinsi ang mga tao na dapat ihalal ang mga sinusuportahan mong mahalal. Posibleng mamayagpag ang isang panig sa pagtubor at pag-ihaw ng mga katunggali pero lalong mawawalan ng boto yong panig na kanilang pinaglalaban. Posible ring api-apihan ang isang panig sa social media subalit nakikisimpatiya sa mga ito ang silent readers at silent majority.
Paano kung magbago ang ating mga katunggali at naging mas makatotohanan sa kanilang social media activities? Wala namang problema. Kung kayang maglevel up ang tropa ng Sulong Romblon, kaya ring maglevel up ang tropa ng Team Botika, baka 2X o 3X pa. Mabuti nga yon para mas madaling magkakaintindihan at magkakasundo. Maiiwasan ang mga walang kwentang bangayan. Pwedeng ang tutokan ng pag-uusap ay kung paano mapapaunlad ang ating lalawigan at mapabuti ang pamumuhay ng ating mga kasimanwa. Masama ba pag ganyan?
Nakakalungkot lang isipin na kalimitan, ang keyboard warriors ng magkabilang panig — na dapat ipaglaban ang layonin ng kani-kanilang kampo — ay sila sila mismo ang nagbabakbakang personal, nakakalkal pati ang di dapat kalkalin at nakakaladkad ang di dapat kaladkarin.
What I can say to keyboard warriors, if they aren’t government employees and only wish to be of help to our province, the best role they can play is to serve as responsible and independent fiscalizers. That’s just my personal view and to be fair about it — I have played that role before, years ago, with energy and enthusiasm. But I dealt mostly with self-crafted theories and proposed policies — all specific for Romblon — rather than just critique or criticize politicians which would have been much easier to do.
One thing I’m sure of is that if they attach or align themselves to politicians who have themselves questionable track records, these keyboard warriors couldn’t possibly act as high moral crusaders and online activists whose sense of honor have been outraged. That would just be pure and pathetic pretentiousness.
Kamakailan, napag-usapan sa isang umpokan sa cyberspace na mayroon nang kinukuno-kuno ang kabilang luyo ng kanilang isasalang sa laban sa 2022. Si kwan daw ang gobernor at si kud-o naman ang bise gobernador. Naghahanap pa raw sila ng ilalaban sa pagka-konggressman. May binanggit na dalawang pangalan na matagumpay umano sa buhay (of course, success is a relative thing) at kilala rin naman (pero peks man, never heard ko po yong dalawa). Komento nung isa kong kausap, masyado naman raw maaga, katatapos pa lang daw ng halalan. Ang sabi ko naman, 3 years lang ang bawat term at ang mga seryosong politiko ay dapat talagang may advanced planning and preparation.
Performance is the best PR and propaganda. No need to lie and invent fantastic stories of non-existent excellence and accomplishment.
Ang isang kandidato ay may kadahilanan (rationale) na pinipresenta sa mga botante kung bakit sya ang dapat iboto. Kung single-position ang laban tulad ng gobernor o meyor, kalimitan ay meron rin syang paliwanag kung bakit di dipat ihalal ang kanyang katunggali o mga katunggali.
Para sa halalan 2019, dalawang pangunahing kadahilanan ang matagumpay na naipresenta ng Team Botika kung bakit ang mga kandidato nila ang dapat iluklok sa pwesto — isang accomplishment (sangkatutak na infra projects) at isang commitment o pangako (aayosin ang programang pangkalusogan at pagagandahin ang takbo ng mga ospital). Para silang dalawang paa — yong isa ay nakapako sa lupa, yong pangalawa ay inihahakbang pa lamang.
Para sa halalan 2022, ang plataporma de gobyerno ng ruling coalition ay maaaring ilagay sa tatlong matitibay na bato na parang sig-ang o tripod — dalawang accomplishments at isang commitment. Ang unang accomplishment ay sa larangan ng infra projects. (Cumulative sila, di tulad sa ice cream na madaling matunaw, kaya pwede ang dagdag-dagdag lang ng kaunti; pero kung buduboy to the max pa rin eh di mas mainam.) Ang pangalawang accomplishment ay sa larangan ng ospital at kalusogan. (Dito kailangang kumayod at bumuhos ng todo kasi marami talagang kakulangan at pagkukulang.) Ang bagong commitment naman ay depende sa mapagkasundoan ng coalition leaders. Ano kaya ang kanilang pipiliing larangan para doon naman sila tututok at bubuhos ng lakas sa susunod na kabanata ng ating kasaysayan? Teka lang, ano kaya kung dalawa o tatlong larangan ang kanilang pipiliin ng sabay-sabay?
There. Are the thinkers or think tank of the minority coalition up to the task of challenging the majority coalition at this conceptual level in a way that is informed, deep, objective, practicable and victorious? Yan ang katanongan.
Bago tayo magtapos, may isa pa akong analysis, tehehe! Sabi ko mali-mali yong kanilang Goebbels-style strategy, di ba? Pero alam nyo, sa aking pananaw, muntik na sanang pumatok ang kanilang istilo at pagpupunyagi!!
Bandang Oktubre 2018, di man nila kontrolado ang daloy ng impormasyon, dominado nila ito. Organisado ang kanilang social media supporters at meron silang veteran warriors (napasabak na umano noong 2016 presidential election kaya bihasa na). Ang mangilan-ngilang netizens na nangahas na sila ay labanan o debatehin ay kuntento na lang sa paminsan-minsang pag-alsa o pag-sniping dahil sila ay ginagang-up at binabalugbog, kahit mga elected officials pa mismo!
Kakampi nila ang pinakaaktibong FB groups na tumatalakay tungkol sa politika ng Romblon — partikular ang Romblon Insider at Romblon Community. Kakampi rin nila ang SAGI, ang pinakamalaking Sibuyanon FB group (at maaaring ito rin ang pinakamalaking FB group ng mga Romblomanons, around 18,000 at that time). Kasangga rin nila ang Romblon News Network na may higit 100,000 likers, mantakin mo yan.
Kung mapapaalab nila ang damdamin ng mga Romblomanon, lalo na ang maimpluwensyang OFWs at mga Romblomanon sa ibang lalawigan, ang mga ito ay maaaring magbilin sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan sa ating probinsya na ibagsak si Budoy Madrona! Tulad ba noong 1984 (kingpin Jun Ganan vs. newbie Jun Beltran), 1992 (kingpin Jun Beltran vs. newbie Budoy Madrona) at 2004 (kingpin Budoy Madrona vs. newbie Lolong Firmalo) nang ang pangunahing lider politika ng Romblon ay napalitan at napatalsik dahil sa lakas ng isyu at damdamin kontra sa kanyang patuloy na pamumuno.
Nangyari rin ang pagpapatalsik sa pangunahing lider ng Romblon (yan ay ang konggressman o assemblyman) noong unang panahon. Pinakamagandang halimbawa ay ang nangyari sa maalamat na si Leonardo Festin (1919–1935;1938–1946), isang matalik na kaibigan ni Pres. Manuel L. Quezon. Mas mahaba pa syang nanungkolan bilang mambabatas (24 years) kesa kay Budoy Madrona (18 years + 3 more coming). Dalawang beses na napatalsik si Festin sa pwesto — una ay nang talonin sya ni Gabriel Fabella (1935–1938) at pangalawa ay nang gapiin sya ni Modesto Formilleza (1946–1949).
Medyo minalas lang ang Tropang Alolong. Medyo mali ang tayming. Kung nag-lie low lang muna sila, nagpatuloy sa paghahanda ng tahimik, at biglang bumulaga bandang Pebrero, Marso o Abril 2019, sa tingin ko walang sapat na panahon ang koalisyon ni Budoy Madrona na makaorganisa ng pangtapat na grupo sa social media. Malaking bagay ang surprisa — pwedeng maka-free shot sa mga kalaban, pwedeng magpa-panic sa mga ito, pwedeng makaengganyo ng mga kapanalig, pwedeng makalikha ng bandwagon effect, at pwedeng maging sanhi ng pagkakamali sa hanay ng mga nasurprisa dahil sa katarantahan. (Yang huli kong tinuran, does that sound familiar?) Di ko masasabing natalo sana ang Team Botika. Ang tiyak ko lang naging ilang luping mas interesting sana ang laban!
Di na mauulit ang ganyang scenario kung saan nagkaroon sana ng malaking sorpresa, ng isang ambush grande, socmed style. Sa ngayon, naglilipana na ang iba’t ibang uri ng keyboard warriors sa mga grupo at pahina na pinaglalagian ng mga Romblomanon. Pareho nang may magagamit na FB groups and pages ang magkabilang panig. Alam na nila pareho ang takbo ng laro. Masasabi nating ang mga Romblomanon ay tunay ngang nabubuhay na sa Internet Age.
(Updated August 31, 2019)
Other Romblon-related articles:
- Let’s give the Riano administration the traditional 100-day honeymoon period
- Budoy Madrona, payapang nag-preside ng miting sa Kamara
habang nagkakagubot ang mga Romblomanon tungkol sa preventive suspension - Brown mud, black mud
- Ang maduckduck na si Caleb Tibio, bow!
at ang pagkakaiba ng lame duck, dead duck, quick duck at sitting duck - Coconut crab, a threatened species, found in Odiongan for the first time
- Pagkahalal ng bagong house speaker Alan Peter Cayetano: Makabubuti ba o hindi sa probinsya ng Romblon?
- A Simaranhon asks: Botika o Botik?
- Team Botika’s Pro-Poor Program for Hospitals and Health Services
amidst various developmental challenges facing Romblon province - A shoeshine man called Ito
- Regarding Pragmatic Idealism