Otik Riano, landslide win kay Bong Fabella sa online poll for governor, 78%-22%

Jose Rizal M. Reyes
4 min readMar 30, 2019

--

Pagkatapos ng isang linggong botohan, nagwagi si Jose “Otik” Ruado Riano sa katatapos na online poll na isinagawa ng Facebook page Sibuyan Secret Files. Ang total na bilang ng mga boto ay 634 — 78% nito ay sumuporta kay Riano at 22% naman ay nagbigay ng kanilang tango sa katunggali nyang si Robert “Bong” Muyo Fabella.

Sa naturang online poll, tinanong ang mga likers ng Sibuyan Secret Files ng ganito: “Sino ang gusto nyong maging GOBERNADOR na aayos ng mga ospital sa buong Romblon?”

Tapos na ang botohan.

Si Riano ang kasalukuyang bise gobernador ng lalawigan. Una syang nahalal sa nasabing pwesto noong 2013. Nanatili syang bise gobernador nang muli syang magwagi noong 2016 ng walang kalaban.

Ang panghalalang poster ni gubernatorial canddiate Otik Riano.

Si Riano ay tumatakbo sa ilalim ng PDP-Laban/Nacionalista Party local coalition samantalang si Fabella naman ay nakikipaghamok sa ilalim ng bandila ng Liberal Party.

Engr. Bong Fabella, dating alkalde ng Calatrava, Romblon.

Ang pagkapanalo ni Riano sa online poll ay kasunod ng pagwagi ng kanyang kapartidong si Atty. Eleandro Jesus “Budoy” Fabic Madrona sa katulad ring online poll na isinagawa ng Sibuyan Secret Files kamakailan lamang para sa pagka-konggresista ng nag-iisang distrito ng Romblon. (Basahin dito.)

Kung namayagpag si Riano laban kay Fabella sa iskor na 78%-22%, nagtagumpay naman si Madrona kontra kay Dr. Eduardo “Lolong” Chang Firmalo sa porsyentohang 69%-31%. Higit na mas maraming bomoto sa tunggaliang Madrona-Firmalo (1,176 boto lahat-lahat) kaysa sa labanang Riano-Fabella (suma total 634 boto).

Ito ay isang indikasyon na mas maraming netizen ang interesadong abangan at impluwensyahan ang laban sa pagka-congressman sapagkat ito ang pinakamakapangyarihang pwesto sa lalawigan ng Romblon. Ayon sa kalagayang politikal at sosyo-ekonomik ng Romblon, at alinsunod na rin sa tradisyon mula pa noong unang panahon, sinomang mahalal na congresman ay syang pangunahing political leader sa lalawigang ito.

Ang mas malaking lamang ni Riano ay maaaring i-attribute sa mga apelyido ng kanyang ama (Riano) at ina (Ruado). Napakaraming apelyido sa Sibuyan na nagsisimula sa letter R kung kayat mayroong bulong-bulongan na pati si Pres. Rodrigo Roa Duterte ay may dugong Sibuyanon. Ano’t ano pa man, maraming kamag-anak si Riano sa islang iyon na binubuo ng tatlong bayan — Cajidiocan, Magdiwang at San Fernando. Ngayon, hindi naman siguro tayo magkakamali kung ating i-presume na karamihang likers ng Sibuyan Secret Files ay … Sibuyanon.

Gayonpaman, kapag nagsagawa ng online poll ang isang Facebook page, sinoman ay pwedeng mag-like sa FB page na yon at bomoto agad-agad, wala nang marami pang kuskos-balungos. Kung kaya kahit na sino at taga-saan ay pwedeng bomoto. Ayon sa ating pagsisiyasat, maraming likers ang Sibuyan Secret Files na hindi taga-Sibuyan bagkus ay mga supporters ng magkalabang partido galing sa ibang mga isla ng Romblon.

Ang Sibuyan Secret Files ay may isa pang online poll na nakasalang — ang botohan para kina Armand “Arming” Manal Gutierrez ng PDP-Laban/NP local coalition at Felix “Dongdong” Fondevilla Ylagan ng Liberal Party para naman sa pagka-bise gobernador. Ito ay tinatayang magtatapos sa ika-3 ng Abril. Ang total na bilang ng mga boto ay 117 pa lamang — 79% para kay Gutierrez at 21% naman para kay Ylagan.

— March 31, 2019

Post Script: Napag-alaman natin na ang nagpa-online poll para sa posisyon ng vice governor ay isang individual FB netizen — hindi ang FB page na Sibuyan X File na syang nagpa-online poll para sa mga posisyon ng congressman at governor. Dahil dito, minabuti ng may-akda na huwag ng gawan ng artikulo ang nasabing online poll para sa pwesto ng vice governor.

Related Articles:

--

--

Jose Rizal M. Reyes
Jose Rizal M. Reyes

Written by Jose Rizal M. Reyes

Jose is a poet-philosopher. He writes poems and essays. He is best known as the inventor of many new sonnet rhyme schemes being used today around the world.

No responses yet