Mga bungi at ngongo pwedeng magpaopera ng libre sa RDH; mga espesyalistang doktor mula sa US darating sa Romblon ngayong Pebrero
--
“Please spread the news about cleft lips and cleft palate surgery. Maganda po mag-opera si Dr. Joseph Arzadon and team,” ito ang panawagan ng isang myembro ng Medical Mission of Mercy USA (MMOM USA) na nakatakdang magbigay ng libreng surgical, dental at optometry services sa Romblon District Hospital sa Romblon, Romblon mula Pebrero 10 hanggang 14.
“We can also do repair of the nose and previous cleft lip or palate surgery,” dagdag pa nya. “Minsan po kasi 2–3 stages ang cleft surgery. Initial is for closure for function then yung subsequent surgeries for aesthetic and repair of dehiscence or closure ng holes or gaps sa hard palate.”
Sabi pa ng nasabing myembro ng MMOM USA medical team: “Dr. Joseph Arzadon has been practicing oral maxillofacial and cosmetic surgery since 1996 and ganun din po sya katagal na nag memedmission. Sana po ma-avail ng mga kababayan natin yung service nya.”
Nakarating sa atin ang mensaheng ito sa pamamagitan ni Anne Miñon Manong, isang empleyada ng Konggreso na taga-Odiongan. “I know them personally Kuya.. magagaling talaga sila. Kaya sana ma maximize ng mga taga Romblon” paglalahad ni Anne.
Hinggil sa cleft lip and palate surgeries na isasagawa ng MMOM USA, nagpalabas ng isang anunsyo ang local support team tungkol sa proseso upang mapasali sa mga ooperahan, lalo pa yong mga pasyenteng nasa District 2 (Tablas minus San Agustin plus Hambil).
A N N O U N C E M E N T:
Since the PMAM Medical Mission in RPH will not handle Cleft Palate and Cleft Lip Repair, the MMOM in RDH, Romblon, Romblon is willing to accommodate such cases provided patients undergo screening on Monday January 27, 2020(Monday) in San Agustin RHU from 8 AM to 4 PM, and at the PHO/RPH (Odiongan) on January 28, 2020 (Tuesday) 1 PM to 4 PM. Please look for Dr. Deo Solidum Muleta. Thank you.
Hindi lamang pag-opera sa mga bungi at ngongo ang aatupagin ng MMOM USA habang nasa RDH. Makikita sa baba ang kabuoang serbisyo na iniaalok ng nasabing medical mission sa ating mga kasimanwa:
❤ VISITING PHYSICIANS: Medical Mission of Mercy from Virginia, USA
✔ VENUE: Romblon District Hospital (RDH) / Romblon, Romblon
✔ INCLUSIVE DATES: February 10–14, 2020
✔ MAJOR SURGERIES: Mastectomy (removing one or both breasts, partially or completely), herniorrhaphy (hernia repair), hydrocoelectomy (removal of a fluid balloon around the testicle), cholecystectomy (gallbladder removal), head and neck mass tumors, and plastic surgery for those with cleft lip and cleft palate (bungi at ngongo). Contrary to an earlier report, they will not perform thyroidectomy (removal of the thyroid gland by surgery).
✔ OTHER SERVICES: Minor surgeries like excision or removal of lumps, cysts and bumps; circumcision; and wound debridement (removal of dead, damaged, or infected tissue). They can also provide services in optometry (for those with eye problems) and dental health (consultation, tooth extraction, and prophylaxis or cleaning of teeth for disease prevention.).
Mula sa kanilang website, narito po ang layonin ng MMOM USA:
Mission of MMOM USA:
To provide free medical services, medication, and vision services to underprivileged people in the United States and other countries
To improve the capabilities of hospitals in developing countries by providing them with basic medical equipment
To improve the skills and abilities of students and medical professionals in developing countries by establishing teaching partnerships with in-country medical schools
To provide financial assistance to the people of the United States and other countries in times of calamity
To provide humanitarian assistance to those in need in the United States and other countries
Kasabay ng pag-medical mission ng MMOM USA sa Romblon District Hospital (Romblon, Romblon), magsasagawa rin ng kanilang sariling medical mission ang PMA-Michigan sa Romblon Provincial Hospital (Odiongan). Makikita po sa baba ang mga serbisyong kanilang iniaalok sa ating mga kasimanwa.
❤ VISITING PHYSICIANS: Philippine Medical Association of Michigan
✔ VENUE: Romblon Provincial Hospital (RPH) / Odiongan, Romblon
✔ INCLUSIVE DATES: February 10–13, 2020
✔ MAJOR SURGERIES: Cholecystectomy (gallbladder removal), herniorrhaphy (hernia repair), hysterectomy (uterus removal), lumpectomy (removing lump of breast tissue) and mastectomy (removing one or both breasts, partially or completely).
✔ OTHER SERVICES: Minor surgeries like circumcision, cyst excision, incision and drainage (I & D) of abscess, removal of sebaceous cysts, and lipoma excision. Also available are medical and dental consultations. Among medical issues available for consultation are internal medicine, pulmonary, endocrinology, cardiology, neurology, family medicine and pediatrics.
Lahat po ng mamamayan ng Romblon ay pwedeng mag-avail ng serbisyo ng dalawang magkasabay na medical missions. Magpalista lamang sa publikong ospital na malapit sa inyo o kaya ay magtanong sa Rural Health Unit sa inyong munisipyo. Pwede ring sa meyor kayo magtanong at magpaalalay, may kontak sila saanman. Kung wala kayong ibang malapitan, subokan nyo ang inyong vice mayor, mga konsehales o kaya ay barangay captain.
REFERENCES:
Quora
Gising Romblon (FB page)
Medical Mission of Mercy USA (FB page)
Medical Mission of Mercy USA (website)
Mayo Clinic
Centers for Disease Control and Prevention
Wikipedia
Other Romblon-related articles:
- Libreng opera sa RPH at RDH mula Pebrero 10–13 o 14; magpalista na!
Dalawang medical missions mula sa USA, darating sa Romblon - Bakit ba napadali masyado ang pag-Level 1 ng Romblon District Hospital?
- “Walang instruction ang gobernador na kumuha ng barangay certification ang provincial government employees para makatanggap ng Christmas bonus” — Atty. Lizette Mortel
- Kong. Eleandro Jesus Madrona, baka matulad ang kapalaran kay Kong. Jose Carlos Cari ng Leyte
- Habang binabagyo ng batikos sa social media, parang ipoipo naman ang kayod ni Gob. Riano sa Metro Manila
- Amazing handicrafts by Annabelle C. Riano
The secret art and talent of the first lady of Romblon - Tropang Alolong not intellectually equipped to challenge Team Botika in the field of PR and propaganda
masyado silang asa sa style ni Joseph Goebbels - Let’s give the Riano administration the traditional 100-day honeymoon period
- Budoy Madrona, payapang nag-preside ng miting sa Kamara
habang nagkakagubot ang mga Romblomanon tungkol sa preventive suspension - Brown mud, black mud