Madrona pinisak si Firmalo sa latest online survey, 69%-31%
Nanguna si Firmalo sa simula subalit dagling humabol si Madrona at pinakain ng alikabok ang kanyang katunggali.
Tinalo ni dating congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona ang incumbent governor na si Eduardo “Lolong” Firmalo sa isang online poll na isinagawa ng Facebook page Sibuyan Secret Files para pulsohan kung sino kina Madrona at Firmalo ang nais ng Facebook netizens na maging kongresista.
Ang botohan ay ginanap mula Marso 21, 2019 at nagtapos ngayong araw, Marso 28, bisperas ng pangangampanya para sa mga kandidatong lokal. Sumali sa botohan ang 1,176 netizens. Nakalikom si Madrona ng 811 votes (69%) habang si Firmalo naman ay nakahamig ng 365 votes (31%).
Nang una kong mabalitaan ang online poll, nalaman ko na 37%-63% ang labanan pabor kay Firmalo.
Pagtingin ko doon mismo sa pahina ng Sibuyan Secret Files, ang score ay naging 43%–57% pabor pa rin kay Firmalo subalit nagnipis na ang lamang. Pagkatabla ni Madrona sa score na 50%-50%, unti-unti na nitong iniwanan ang usad-pagong na boto ni Firmalo.
Namataan natin bandang huli ang isang official announcement galing sa administrasyon ng Sibuyan Secret Files tungkol sa resulta ng survey.
Ang resulta ng online poll ay malaking dagok sa morale at kumpyansa ng kampong Firmalo. Ayon sa aking anghel de la guardia — este, ayon sa aking bubuwit — nakita kaagad ng matalinong si May Lyn Tibio ang hindi kanais-nais na epekto nito kayat kahit di pa natatapos ang SSF poll, kaagad nagpa-online poll rin ang masugid na supporter ni Firmalo gamit ang kanyang FB page na Pagsulong ng Romblon (PnR).
Syempre pa, dahil pro-Firmalo page yon, inaasahan na mananalo doon si Firmalo. Ang tanong na lang ay kung ilang likers ng PnR ang boboto kay Madrona! Maglaland-slide win kaya si Firmalo? Abangan!
Meron ring nakasalang ang Sibuyan Secret Files na magkahiwalay na online polls para sa pagka-gobernador at pagka-bise gobernador. Di pa natatapos ang dalawang online polls subalit kagimbal-gimbal din ang takbo ng botohan sa mga ito.
Sa naturang online polls, parehong namamayagpag ang mga kapartido ni Madrona na sina gubernatorial candidate Otik Riano at vice gubernatorial candidate Arming Gutierrez kontra sa mga kaalyado ni Firmalo na sina Bong Fabella at Dongdong Ylagan.
— Marso 28, 2019 / updated 10:37 PM
Post Script / Erratum: Napag-alaman natin na ang nagpa-online poll para sa posisyon ng vice governor ay isang individual FB netizen — hindi ang FB page na Sibuyan X File na syang nagpa-online poll para sa mga posisyon ng congressman at governor. Dahil dito, minabuti ng may-akda na huwag ng gawan ng artikulo ang nasabing online poll para sa pwesto ng vice governor.
Related Articles:
- 5 reasons why we should vote for Budoy Madrona for congressman
- 7 reasons why a Romblomanon voter and his family support Budoy Madrona
- Otik Riano, landslide win kay Bong Fabella sa online poll for governor, 78%-22%
- A (not so) civil war erupts in Team Firmalo’s SocMed camp
- Panawagan sa Keyboard Warriors at SocMed Debaters: Mag-research-research pag may time
- 65%-35% ang labang Budoy Madrona vs. Lolong Firmalo sa Corcuera