Libreng opera sa RPH at RDH mula Pebrero 10-13 o 14; magpalista na!
Dalawang medical missions mula sa USA, darating sa Romblon
Major surgeries, libre! Ito ang ating nakalap na balita tungkol sa dalawang medical missions na nakatakdang dumating mula sa Amerika ngayong darating na Pebrero upang magsagawa ng magkahiwalay na libreng operasyon sa Romblon Provincial Hospital (RPH) at Romblon District Hospital (RDH).
Kung meron po kayong pasyente, mangyaring pumunta kayo kaagad sa publikong ospital sa inyong lugar o kaya ay magtanong kayo sa rural health unit ng inyong munisipyo. Kumilos po kayo agad agad para kayo ay makasali sa listahan ng mga pasyenteng bibigyan ng libreng medical services ng ating mga bisitang doktor na galing pa sa US of A.
Ang Philippine Medical Association of Michigan (PMA-Michigan) ang nakatalagang magsagawa ng medical, surgical at dental mission sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan mula Pebrero 10 hanggang 13. Ang grupo naman ng Medical Mission of Mercy (MMOM) mula sa Virginia, USA (nasa Washington, DC ang head office nila) ay nag-aalok ng surgical, optometry and dental services na isasagawa sa Romblon District Hospital sa kabisera (Romblon town) mula Pebrero 10 hanggang 14.
Pwedeng ang isang pasyenteng taga-District 1 (Romblon, Sibuyan, Tres Islas at San Agustin) ay magpaopera sa Romblon Provincial Hospital na nasa District 2. Gayondin naman, pwedeng ang isang pasyenteng taga-District 2 (Tablas minus San Agustin plus Hambil) ay magpaopera sa Romblon District Hospital na nasa District 1. Depende po yon.
Halimbawa may isang batang may cleft lip na taga Brgy. Limon Norte sa Looc, bale sakop ng District 2. Hindi sya pwedeng magpaayos ng kanyang nguso sa Odiongan (RPH) kasi walang cleft lip and cleft palate surgical operation ang PMA-Michigan group. Pero ang MMOM USA sa Romblon town (RDH, sakop ng District 1) ay may kakayahang magsagawa ng cleft lip and palate surgical operation. Sa ganitong sitwasyon, pwede kayong magpalista kay Dr. Deo Muleta ng RHU San Agustin para maisali kayo sa mga ooperahan sa RDH.
Pwede nyo ring kontakin ang pinakamalapit na ospital sa inyong lugar o kaya ay magtanong kayo at magpatulong sa Rural Health Unit ng inyong munisipyo. Syempre pa, pwede rin kayong magpatulong, magpaalalay o magpaayuda sa inyong meyor — may kontak sya kahit saan.
Kung kayo’y taga-Tablas at kilala nyo sina Cocoy Reyes, Ezra Fornal, Anne Manong o Novy Faminial, pwede kayong magtanong at magpaalalay sa kanila. Kung kayo ay taga-Sibuyan, nariyan sina PCL president Greggy Ramos, Emmyrose Madrona ng Magdiwang at Azzun Ta ng Cajidiocan, pwede rin kayong magtanong at magpaalalay sa kanila. Sa Tres Islas naman, nandyan sina SP Rachel Bañares at ang tatlong maabiabihong meyor.
Huwag po kayong mahiyang lumapit at magtanong sa mga nabanggit na mga tao at opisina. Huwag po nating sayangin ang pagkakataong ito para sa inyong sarili o sa sinomang kamag-anak, kaibigan, kakilala, kapitbahay o kababayan na pwedeng mag-avail ng libreng medical, dental at optometry services. Pinaghirapan po itong i-arrange ng ating mga opisyales lalo na ng ating masisipag na konggresman at gobernor kaya sayang rin kung hindi ma-maximize ang benipisyong makukuha ng ating mga kasimanwa.
Ang major surgeries na pwedeng isagawa ng Michigan group sa RPH ay ang cholecystectomy (gallbladder removal), herniorrhaphy (hernia repair), hysterectomy (uterus removal), lumpectomy (removing lump of breast tissue) at mastectomy (removing one or both breasts, partially or completely).
Pwede ring magsagawa sa RPH ang Michigan group ng minor surgeries tulad ng circumcision, cyst excision, incision and drainage (I & D) of abscess, removal of sebaceous cysts at lipoma excision. Available rin ang Michigan group para sa medical and dental consultations. Ang mga usaping medikal na pwedeng ikonsulta ay tungkol sa internal medicine, pulmonary, endocrinology, cardiology, neurology, family medicine at pediatrics.
Sa kasalukoyan, nagsasagawa ng screening ang RPH para doon sa mga nagnanais sumailalim sa libreng surgical operation. Kung kayo ay may problemang medikal o kaya ay may mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay o kakilala na kailangang magpaopera, pagsabihan sila na pumunta lang sa Out Patient Department (OPD) ng nasabing ospital.
Ang major surgeries na pwedeng isagawa ng MMOM USA sa RPH ay ang mastectomy (removing one or both breasts, partially or completely), herniorrhaphy (hernia repair), hydrocoelectomy (removal of a fluid balloon around the testicle), cholecystectomy (gallbladder removal), head and neck mass tumors, at plastic surgery para sa mga bungi at ngongo (cleft lip and cleft palate).
Pwede ring magsasagawa ang medical team ng MMOM USA ng minor surgeries kapareho ng excision or removal of lumps, cysts and bumps; pagtutuli; at wound debridement (removal of dead, damaged, or infected tissue). Nag-aalok rin ang MMOM USA ng optometry services (para sa may problema sa mata) at dental services (konsultasyon, bunot ngipin at linis ngipin).
Nais lang nating linawin na taliwas sa una nating nakalap na impormasyon, walang thyroidectomy (removal of the thyroid gland by surgery) na isasagawa ang MMOM USA sa RDH. Gayonpaman, yon pong ibang surgical methods at medical services na nakaanunsyo, meron po lahat yon.
Kahit may ibang serbisyong inaalok ang dalawang medical missions maliban sa major surgeries, sana raw ma-maximize ang patients sa major surgeries, sabi ng isang congressional staff. Kaya nya marahil nasabi ito ay sapagkat mas mahal ang major surgeries at mahirap makapagpaopera ng libre sa isang espesyalista. Kaya di dapat sayangin ang panahon at pagkakataon pag may ganitong medical missions.
Ayon kay Provincial Councilors League president Marvin Greggy Ramos ng Cajidiocan, matagal na nilang naipalaganap sa Sibuyan ang impormasyon tungkol sa medical missions. Patuloy ang pag-screening sa mga pasyente sa nasabing isla, ito naman ang nakalap nating balita kay Emmyrose Madrona, coordinator ni Cong. Budoy Madrona sa bayan ng Magdiwang at sa buong Sibuyan.
Other Romblon-related articles:
- Bakit ba napadali masyado ang pag-Level 1 ng Romblon District Hospital?
- “Walang instruction ang gobernador na kumuha ng barangay certification ang provincial government employees para makatanggap ng Christmas bonus” — Atty. Lizette Mortel
- Kong. Eleandro Jesus Madrona, baka matulad ang kapalaran kay Kong. Jose Carlos Cari ng Leyte
- Habang binabagyo ng batikos sa social media, parang ipoipo naman ang kayod ni Gob. Riano sa Metro Manila
- Amazing handicrafts by Annabelle C. Riano
The secret art and talent of the first lady of Romblon - Tropang Alolong not intellectually equipped to challenge Team Botika in the field of PR and propaganda
masyado silang asa sa style ni Joseph Goebbels - Let’s give the Riano administration the traditional 100-day honeymoon period
- Budoy Madrona, payapang nag-preside ng miting sa Kamara
habang nagkakagubot ang mga Romblomanon tungkol sa preventive suspension - Brown mud, black mud
- Ang maduckduck na si Caleb Tibio, bow!
at ang pagkakaiba ng lame duck, dead duck, quick duck at sitting duck