Isang Proseso sa Pagpili ng Presidente at Bise Presidente
Jose Rizal M. Reyes / April 20, 2016
Ang ginawa ko po, tinanggal ko yong mga pinaka-undesirable sa lahat. At saka yong mga pinakakulelat. SinaMar Roxas at Leni Robredo ang natira. Pasensya na po sa mga RORO supporters, I cannot be too enthusiastic in expressing my support to them due to the process of elimination that I used. Nevertheless, my vote goes to Roxas for president and Robredo for vice president. God save our country!
P. S.
Ang mga pinakauna kong tinanggal sa listahan ng pagpipilian? Sa pagka-presidente, una kong scratched out si Mayor Rodrigo Duterte. Gusto ko sanang magkaroon ng kapwa Bisaya na pangulo. At mainam sana kung taga-Mindanao para naman may turno sila sa liderato ng bansa. Pero huwag naman ganyang klaseng tao — sinungaling, mamamatay tao, NPA coddler, bully, bastos sa babae, mababa ang tingin sa mga katulong, palamura, at balak pang ilaglag ang West Philippine Sea kapalit ng mga tren galing Tsina. Purbidang yawa!
Sa pagka-bise presidente naman po, una kong tinanggal si Sen. Chiz Escudero kasi pagputok nang tinatawag na Scarborough Shoal Standoff noong 2012, ang mga tinamaang magaling na mga national leaders natin, tameme lahat, wala man lang umimik. Isa lang ang nagkalakas loob na magsalita — si Chiz Escudero. Ang problema ang engot na kolokoy de bao na gunggong na yan, ang sabi eh hayaan na raw natin ang Tsina na kunin ang gustong kunin para walang gulo! Pesteng yawa!
O mahabaging langit, bakit nyo naman pinaparusahan ang aming bansa ng ganitong klaseng mga lider kuno?