Habang binabagyo ng batikos sa social media, parang ipoipo naman ang kayod ni Gob. Riano sa Metro Manila

Jose Rizal M. Reyes
5 min readSep 10, 2019

--

“The dogs bark, but the caravan goes on.”
— an old saying in Arabia & various parts of Asia

Habang inaakusahan si Gov. Jose “Otik” Riano ng mga kritiko sa social media na wala itong ginagawa at hindi nito tinutupad ang mga ipinangako noong nakaraang halalan, busy naman ang gobernador at kanyang mga kasamang opisyales sa paghanap ng mga biyaya at pagpapala sa Metro Manila para sa kapakanan ng ating mga kasimanwa.

Ang sunod-sunod na pagbatikos kay Gob. Riano ay na-trigger ng dalawang pahayag sa social media ng isang doktor na nagtatrabaho sa Romblon Provincial Hospital. Sinamantala ito ng mga social media supporters ng Oposisyon upang magpyesta sa pagbatikos sa gobernador.

Subalit tinanggal na ng nasabing manggagamot ang dalawa nyang controversial posts. Liban rito, nagposte rin sya ng public apology sa kanyang FB wall. Kung kaya tila bigla ring humupa ang bagyo. Kaya’t yong ipo-ipo na lang ang ating pag-usapan dito.

Unang inatupag sa Maynila nina Gob. Riano at mga kasama ang signing ng MOA sa pamamagitan ng GSIS at Romblon provincial government noong umaga ng Setyembre 9. Para ito maka-avail ang 668 permanent Romblon provincial employees ng GSIS Financial Assistance Loan II & Top Up Program. Sa ilalim ng programang ito, sasalohin ng GSIS ang utang ng empleyado sa ibang financial institutions hanggang sa halagang P500,000. Bale babayaran na lang ng empleyado ang GSIS ng monthly installement sa interest rate na 6% buwan buwan sa loob ng anim na taon. Kapag mababa kaysa P500,000 ang kanyang pananagotan sa ibang financial institution, pwedeng utangin at tanggapin ng empleyado ang diperensya sa ilalim ng Top Up option.

Ang lokasyon ng RITPO ayon sa Google.

Pagkagaling nila ng GSIS, tumuloy ang grupo nina Gob. Otik sa Romblon Investment and Tourism Promotions Office (RITPO) sa Quezon Avenue. (Buhay pa pala ang extension office na yon, angtagal na yon ah, noon pang nakaraang millennium!) Tila may positive development na nangyari doon tungkol sa pag-recruit ng karagdagang mga doktor para sa Romblon hospitals. Meron kayang negosasyong naganap? Meron kayang signing of contract? May hinihintay ba na iba pang mare-recruit? O tsika-tsika lang muna ang lahat? Abangan na lang natin kasi gusto ng ating mga impormante na taposin muna ang buong proseso bago mag-anunsyo. Basta huwag tayong ma-stress sa isyu na yan kasi tinututokan at hinahanapan ng solusyon ng ating provincial government. Ang gobernador mismo ang personal na nakikipag-coordinate sa DOH at sa Office of the President para sa doctors’ requirement.

From left to right: Myla Villegas, Project Devt Officer IV; Atty. Rachel Banares- SP Member; Atty Lizette Mortel, Provincial Administrator; Jimmy Bondoc- VP for Community Relations and Services Group; Governor Jose R. Riano; Aaron Joseph C. Riano, Executive Assistant; Ma. Reina Carreon- AVP for Community Relations and Services Department.

Kinaumagahan, Setyembre 10, pumunta naman sa opisina ng PAGCOR ang grupo ng gobernador at marami sila roong natanggap na biyaya. Ito ang dating opisina ni Atty. Lizette Mortel bago nya tinanggap ang alok na maging provincial administrator. Nagdonate ang PAGCOR ng 500 pirasong kulambo para sa ating probinsya, bale bahagi ng depensa kontra dengue. Tayo ang pangalawang lugar na binigyan ng PAGCOR ng kulambo; tanging ang Manila lamang ni Yorme Isko Moreno ang nauna sa atin. Nagbigay rin ang PAGCOR ng 8 desktop computer at 5 television sets para sa Agnipa National High School. Marami pang Romblon schools mula Sibale hanggang Hambil ang nai-request ni Gov. Riano na bigyan ng computers. Nakasalang rin ang request ng gobernador para sa isang evacuation center at ito ay under consideration, kailangan lang nating magsumite ng hinihinging requirement. Nakatakdang pumunta sa Romblon at Sibuyan ang isang PAGCOR team mula Nobyembre 11–17 upang magsagawa ng ocular inspection para sa evacuation center at para tingnan na rin kung ano pa ang iba nating pangangailangan tulad halimbawa ng backpack (with school supplies), school building o kung ano pa man.

Gov. Riano and company sa opisina ni Sen. Bong Go sa Senado habang hinihintay ang senador na nasa isang committee hearing.

Nang matapos ang transaksyon sa PAGCOR, tumuloy naman sa Senado ang grupo nina Gob. Riano para makipagkita kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go. Napag-alaman natin ilang linggo ang nakalilipas na posibleng mapasali ang Romblon sa Malasakit Center Program ng nasabing senador. Nagpahanap na ang gobernador ng isang kwartong magsisilbing Malasakit Center at kaagad namang nakakita.

“The project was conceived to improve healthcare services in the country,” ito ang paliwanag ni Sen. Go sa isang naunang panayam. Ayon sa impormasyong ating nakalap, ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na tinataohan ng mga representante ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para ang mga pasyente ay makatanggap ng mabilisang tulong medikal. Kalimitan na nasa ospital ang kwartong nagsisilbing Malasakit Center.

Delegasyon ng Romblon sa pangunguna ni Gob. Otik Riano habang nakikipag-usap sa mga opisyales ng Department of Agriculture.

Hindi pa doon sa Senado natapos ang araw para sa masipag na gobernador ng Romblon. Tumuloy pa ang kanyang munting tropa sa Department of Agriculture para magsagawa ng konting trouble shooting upang tuloy-tuloy ang daloy ng mga proyekto galing sa nasabing departamento. Ang natatawang sabi ng isang nakakaalam sa kanyang ugali: “Ayaw yan ni Gob ng bukas bukas, hahaha!”

(Updated September 11, 2019.)

Other Romblon-related articles:

--

--

Jose Rizal M. Reyes
Jose Rizal M. Reyes

Written by Jose Rizal M. Reyes

Jose is a poet-philosopher. He writes poems and essays. He is best known as the inventor of many new sonnet rhyme schemes being used today around the world.

Responses (1)