Budoy Madrona, payapang nag-preside ng miting sa Kamara
habang nagkakagubot ang mga Romblomanon tungkol sa preventive suspension
Nagdedebate at nagkakantyawan mula pa noong isang araw ang magkabilang panig ng politika sa Romblon tungkol sa kahulogan at implikasyon ng suspension order na ni-serve ng Sandigangbayan kay Cong. Budoy Madrona hinggil sa isang kasong isinampa laban sa kanya noon pang 2004.
Subalit ngayong araw, Agosto 14, payapang nag-preside si Cong. Madrona sa organizational meeting ng Committee on Public Works and Highways — isa sa pinakamahalaga , pinakamakapangyarihan at pinakahahangad na lupon sa Kamara de Representante.
Ang pagkakaintindi ko, ang pagpapatupad ng 90-day preventive suspension ay depende sa diskarte ng House Speaker. Pwede nyang iiskedyul kung kailan ito mag-take effect para hindi maapektohan ang gawain sa Mababang Kapulongan.
Ang ganitong arrangement ay base rin sa prinsipyo ng separation of powers ng tatlong pangunahing sangay ng gobyerno — executive, legislative at judicial. Yan ang tinatawag na tripartite form of government. Bale hinahayaan ng Sandigangbayan (bahagi ng judicial branch ng pamahalaan) na magdiskarte ang House Speaker bilang paggalang sa teritoryo ng Lehislatura.
Sa miting ng Provincial Development Council na ginanap kahapon, Agosto 13 sa Brentwood Hotel, Quezon City, pinaliwanag ni Cong. Madrona na ang preventive suspension order na ipinataw sa kanya ay dahil sa kasong ni-file noon pang 2004. Aniya, bilang abogado at nakakaindi sa batas, handa syang sumunod sa utos ng korte. Habang suspendido, gagamitin nya ang kanyang panahon sa pagbisita sa mga baranggay at paghalobilo sa mga tao.
Pagkatapos ng 90-day suspension period, mananatili pa rin si Madrona na congressman ng Romblon. Ang preventive suspension ay hindi penalty at hindi rin finding of guilt. Ito ay isa lamang routine procedure, isang preventive measure naaayon sa bagong patakaran na inilatag ng Sandiganbayan upang hindi magamit ng sinomang nasasakdal ang kanyang posisyon para impluwensyahan ang kasong kinakaharap.
Ang bagong halal na House Speaker ay si Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros. Kapwa kasapi ng Nacionalista Party sina Cayetano at Madrona. Kaya madali siguro nating ma-imagine na mabibigyan ang konggresista ng Romblon ng isang patas at makatarungang pagtrato, di po ba?
Simple lang ang patas at makatarungang pagtrato — ituring si Cong. Madrona na walang sala. Sa mata ng batas, ang isang tao ay itinuturing na inosente maliban kung napatunayang nagkasala. Kaya madalas nating marinig o mabasa sa salitang Ingglis ang katagang “A person is deemed innocent unless proven guilty”. Iyan po kasi ay isang general principle of law na nagmula pa noong panahon ng mga sinaunang Romano.
May salawikaing Latin: “Ei incumbit probatio qui dicit, non qui negat” (“Ang dapat magbigay ng pruweba ay ang nag-aakusa, hindi ang nagkakaila”). Habang hindi bumababa ng hatol ang hukoman, hindi natin ito dapat pangunahan.
Huwag po nating tularan ang nagsampa ng kaso na si Lyndon Molino: inatasan ng Sandigangbayan na itikom nya ang kanyang bibig. Meron po kasing sub judice rule (ibig sabihin “under judgment”, “under trial” o kaya ay “under judicial consideration”) na naglalatag ng patakaran kung ano ang pwede at hindi pwedeng ikomentaryo sa isang kasong nililitis pa. Yang paglabag po sa sub judice rule ay baka mauwi sa tinatawag na contempt of court.
Ang pangulo ng Nacionalista Party ay si dating house speaker at dati ring senate president Manny Villar. Asawa sya ng kasalukoyang senadora na si Cynthia Villar, topnotcher ng nakaraang halalan noong Mayo 13, 2019. Anak nila ang kasalukoyang sekretaryo ng Public Works and Highways na si Mark Villar.
May balita akong nakalap na very close umano si Madrona sa Villar family simula pa man noong panahon ng mga naunang presidente. Kaya di naman siguro sya aapihin at pahihirapan ng mga ito sa pagganap ng kanyang tungkolin bilang chairman ng Committee on Public Works and Highways — lalo na sa pagpa-implementa ng infra projects na buduboy to the max sa iba’t ibang isla at bayan ng Romblon.
Ayon kay Atty. Marvin Greggy Ramos, konsehal ng Cajidiocan, ito ang mga ibinalita ni Madrona sa PDC meeting kahapon:
➥ Maglalaan ang konggresman ng halos P20ng milyong na pondo para sa Medical Assistance for Indigents Program upang marami pang mga kasimanwang Romblomanon ang matulongan sa aspetong medical.
➥ Pinakiusapan rin nya ang Department of Health na mag-ikot ikot sa bawat hospital ng Romblon at ilista ang mga kulang na medical equipment upang mapondohan sa susunod na taon.
➥ Prioridad rin ng konggresista ang pag-improve ng potable water system sa dalawang isla ng Tablas at Romblon.
➥ Higit pang patitibayin ang Solar Panel Farm sa Odiongan.
➥ Target nyang matapos sa una nyang term ang pagpasemento ng national roads sa buong lalawigan at malagyan ng covered court ang halos lahat na baranggay.
Ayan, nagpa-PDC meeting na kahapon, nag-preside pa sa reorganization meeting ng isang powerful house committee ngayong araw. Parang hindi yata ganyan ang nais mangyari ng kanyang mga kritiko at katunggali sa politika. Gusto nilang makulong at di makakilos si Budoy Madrona. Sorry, folks, ang preventive suspension ay hindi isang hatol at hindi rin ito parusa. Preventive lang nga eh. Kaya chill, relax lang po kayo.
(Updated August 17 and 18, 2019 to include a brief discussion of presumption of innocence, sub judice rule and contempt of court.)
Other Romblon-related articles:
- Brown mud, black mud
- Ang maduckduck na si Caleb Tibio, bow!
at ang pagkakaiba ng lame duck, dead duck, quick duck at sitting duck - Coconut crab, a threatened species, found in Odiongan for the first time
- Pagkahalal ng bagong house speaker Alan Peter Cayetano: Makabubuti ba o hindi sa probinsya ng Romblon?
- A Simaranhon asks: Botika o Botik?
- Team Botika’s Pro-Poor Program for Hospitals and Health Services
amidst various developmental challenges facing Romblon province - A shoeshine man called Ito