Bakit ba napadali masyado ang pag-Level 1 ng Romblon District Hospital?

Jose Rizal M. Reyes
4 min readJan 12, 2020

--

Yan ang katanongan na sumasagi sa isipan habang pinag-uusapan ang dagliang pagpapaangat sa Level 1 status ng Romblon District Hospital. Ang ating pwedeng isagot: Nasa leadership traits yan at yong tinatawag na political will. Sabi nga ng kasabihan — pag gusto, may paraan; pag ayaw, may dahilan. Pero galugarin natin ang mas malalim pang kasagotan.

Lisensya para makapag-opera. (Photo from Shei Maestro Garbosa)

Bago pa nakamtan ang License to Operate, saksi ako sa pagpupunyagi at determinasyon ni Gov. Otik Riano at ng provincial government sa pangkalahatan na maka-comply sa lahat ng requirements para makamit uli ng RDH ang Level 1 status. Habang nag-aalmusal sa Joebelle o nagpupulong sa RPH, malimit kung marinig si Gov. Riano na parang armalite magsalita habang iniisa-isa ang mga requirement, balakid, hakbang, problema at solusyon na ginagawa nila para umusad ang proseso sa pagkuha ng license to operate. Sa kasasama sa kanya, pati nga ang anak nyang si Aaron ay nakabesa rin ang paksang health services!

Bwena manong pag-opera. Nagsagawa ng caesarian operation sina Dr. Aileen Roxas at ang ob-gyne na si Dr. Niña Costo (Photo from Mary Jane Merida Villamor)

Ang katotohanan, nagsisikap rin ang Riano administration para maisunod sa pagpapa-level up ang Sibuyan District Hospital sa Cajidiocan at ang Don Modesto Formilleza Memorial Hospital sa Looc. Tatlong bayan sa isla ng Sibuyan ang siniserbisyohan ng SDH; samantalang lalo pang makakatulong sa pag-decongest ng Romblon Provincial Hospitala kapag nag-level 1 din ang DMFMH. May ilang problema lang na hinahanapan pa ng solusyon. Hopefully by January 2021, matupad ang pagpapa-level up ng dalawa — hindi po kasi pwede magsimula ng operate sa gitna ng taon, ang pwede lang gawin eh ihanda ang lahat ng requirements para sa susunod na taon ay makakakuha rin ng sariling license to operate ang dalawa pang nasabing ospital, harinawa.

Time out. Break muna mula sa trabaho ang tatlong masisipag na opisyales ng lalawigan — Cong. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, Provincial Administrator Lizette Mortel at Gov. Jose “Otik” Riano (Photo from Lizette Mortel)

Bakit tila paspasan yata ang pagpapa-level up ng RDH? Mantakin nyo, anim lang na buwan sa panunungkolan si Gob. Otik Riano eh ayos na ang buto-buto. Hindi naman sya doktor, sabi ng iba. At di naman sya 100-meter-dash runner, dugtong ko naman. Ito ang isang posibleng paliwanag: Ang ating bagong gobernador kasi ay nagmula sa hanay ng mga mahihirap. Kaya nauunawaan nya — at naramdaman nya’t naranasan first-hand — kung paano maging bahagi ng malaking sektor na ito ng ating lipunan. Kaya nga ba ginagawa nya ang kanyang makakaya para ang ating mahihirap na kasimanwa ay matulongan.

Ang pagpapaabot ng magandang balita. (Photo from Cyril de la Cruz)

Kung ating matatandaan, unang araw pa lang sa panunungkolan bilang gobernador ng ating lalawigan, ang unang ginawa ni Gob. Riano ay lagdaan ang isang executive order na naglalayong libre ang pagamot ng mga mahihirap, senior citizens at may mga kapansanan. Tanda yan kung saan nakalagay ang kanyang puso. Yan rin ay senyales ng pamamahalang may tunay na pagmamalasakit.

Other Romblon-related articles:

--

--

Jose Rizal M. Reyes
Jose Rizal M. Reyes

Written by Jose Rizal M. Reyes

Jose is a poet-philosopher. He writes poems and essays. He is best known as the inventor of many new sonnet rhyme schemes being used today around the world.

No responses yet