Pagkahalal ng bagong house speaker Alan Peter Cayetano: Makabubuti ba o hindi sa probinsya ng Romblon?

ni Jose Rizal M. Reyes / ika-22 ng Hulyo 2019; updated Hulyo 24

Jose Rizal M. Reyes
4 min readJul 22, 2019

Sa ganang akin, pabor sa Romblon ang pagkaluklok ni Cong. Cayetano ng Taguig-Pateros bilang bagong House Speaker. Parehong pragmatic politicians sina Cong. Cayetano at ang ating kongresista na si Budoy Madrona. Pareho silang nakalinyada sa ruling coalition ni Pres. Rodrigo Duterte. At pareho silang myembro ng Nacionalista Party sa pamumuno ni dating house speaker at dati ring senate president Manny Villar.

Kaya sa palagay ko, di mahihirapan ang ating congressman na pakisamahan at pakibagayan ang bagong house speaker.

Bagong House Speaker Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros. (Mula sa kanyang FB page.)
Dumating si Cong. Alan Peter Cayetano para sa first regular session ng 18th Congress kung kailan sya ay nahalal bilang House Speaker. (Larawan ni James Relativo ng Philippine Star.)

Higit sa lahat, ibinoto ni Cong. Madrona si Cong. Cayetano para house speaker. Base sa patakaran at tradisyon ng Konggreso, ang pagboto ni Cong. Madrona sa nanalong house speaker ay nangangahulogang kasapi sya ng ruling party sa Mababang Kapulungan. Kaya pagdating sa committee chairmanship at membership, may pagkakataon ang ating congressman na makapamili at makasali sa mahahalagang house committees.

Habang bumoboto (para kay Cong. Cayetano), nag-flash sa screen ng Kamara ang larawan ng representante ng Romblon.
(Video from Team Botika’s social media volunteers via fbdown.net and vimeo.com)

Syempre pa, ang dapat na resulta nito ay yong hindi naman madehado ang munti nating lalawigan pagdating sa partehan ng pondo mula sa national government. Dahil maliit lang tayong lalawigan, dapat kahit man lang pagdating sa pondo ay makabawi tayo para hindi naman laging namamaliit ang probinsya ng Romblon.

Mga opisyales ng Romblon. (Larawan mula kay Cocoy Reyes)

Ayon sa mga ulat, ang paghalal kay Cayetano bilang bagong House Speaker ay hiniling ni Pangulong Duterte sa mga konggresista. Ito ay pagkatapos ng isang maigting na pagkakaribal ng maraming aspirante para sa nasabing posisyon. Matatandaang si Cayetano ang vice presidential running mate ni Duterte noong 2016.

Pagpupulong ng Mababang Kapulongan ngayong araw, Hulyo 22, 2019. (Larawan mula kay Anne Marie Manong.)

Ang iba pang napabalitang aspirante sa house speakership ay sina Lord Allan Velasco ng Marinduque, Martin Romualdez ng Leyte, dating house speaker Pantaleon Alvarez at ang anak ng pangulo na si Paolo Duterte ng Davao City. Subalit ngayong araw — para ipakita ang party unity — sina Duterte, Velasco at Romualdez mismo ang nag-nominate kay Cayetano para sa pagka-house speaker.

Cocoy Reyes at Anne Manong sa Konggreso. (Larawan mula kay Cocoy Reyes)

Mayroong 297 mambabatas ang presente nang maganap ang botohan. Nakakalap si Cayetano ng 266 na boto. Si Bienvenido Abante ng Manila ay nakakalap naman ng 28ng boto. Dalawa ang nag-abstain at isa ang hindi bomoto.

May kaunti lang na kumplikasyon sa pagkahalal ni Cayetano bilang house speaker. Nagpahayag si Pangulong Duterte na sina Cayetano at Velasco ay magkakaroon ng term sharing habang si Romualdez naman ang magsisilbing majority leader.

(Larawan ng The Summit Express)

Gayonpaman, ang resulta ng halalan sa Mababang Kapulongan ay senyales ng matatag na pagtangan ng pangulo sa renda ng kapangyarihan. Dalawang daan apat na pu’t anim (266) ang sumunod sa kanyang kahilingang si Cayetano ang iluklok sa pwesto. Liban pa rito, sa ilalim ng patakaran ng kamara, ang natalong kandidato para sa pagka-house speaker ang syang magiging house minority leader. Nagkataong si Abante ay kaalyado rin umano ni Pangulong Duterte.

Ayan, kayo na ang gumawa ng sumada.

Related Articles:

--

--

Jose Rizal M. Reyes
Jose Rizal M. Reyes

Written by Jose Rizal M. Reyes

Jose is a poet-philosopher. He writes poems and essays. He is best known as the inventor of many new sonnet rhyme schemes being used today around the world.

No responses yet