Ang maduckduck na si Caleb Tibio, bow!

at ang pagkakaiba ng lame duck, dead duck, quick duck at sitting duck

Jose Rizal M. Reyes
9 min readJul 31, 2019

Nakatawag ng aking pansin kahapon ang isang screen shot na pinagbibidahan ni Caleb Tibio, isang kasapi ng Tropang Alolong na syang tagapagtaguyod ng Team Lobongdayon sa social media. Nagkataon namang dalawang pato ang ni-deliver kahapon sa bahay nina Cocoy at Shahani Reyes — bale patotim na ngayong araw. (Teka lang, iba yata yong patotim sa adobong pato.) Sabi nga sa wikang Ingglis, “What a coincidence!” Kaya tuloy naengganyo akong patolan ang pagduckduck ni Caleb.

Yesterday, two dead ducks; today, two cooked ducks. (Photo by Mycka Ann)

Sabi ni Caleb: “Sana naman hindi maging lame duck governor si Tik-O.”

The screen shot starring Caleb Tibio, posted by Joy Cruz in the FB group Romblon Politics.

Okey pala ito si Caleb, kakabilib. May nalalaman nang lame duck, may nalalaman pang Tik-O. O di ba, bongga? Yong Tik-O ay kasingtunog ng Stick O, paboritong kainin ng mga bata at pati na matatandang nahihirapang ngumuya. Pero doon tayo sa lame duck at iba pang uri ng duck tumutok kasi mas nakakaaliw talakayin. Ito ang iba ibang uri ng duck at ang kani-kanilang kahulogan:

LAME DUCK
An official (especially one holding a chief executive position like the president or governor) in the final period of office, after the election of a successor.
An ineffectual or unsuccessful person or thing.

Yong first definition — an official in the final period of office, after the election of a successor — ay angkop kay ex. Governor Lolong Firmalo mula May 13 hanggang June 30, 2019. Yon yong period na lame duck ang dating gobernador at pati ang iba pang mga incumbent na natalo sa halalan o kaya ay hindi na tumakbo sa kung ano mang kadahilanan.

Si Caleb Tibio, “The man with a Golden Heart…” ayon sa kanyang self-description. (Photo from his FB wall.)

Si Gov. Otik Riano ay di pa pwedeng tawagin na lame duck kasi eksaktong isang buwan pa lang sya sa araw na ito mula nang sya ay maupo bilang gobernador. May natitira pa syang 35 months kaya matikas pa ang tindig at nagsisimula pa lamang syang gamitin ang mga kapangyarihan ng isang gobernador. Kung sa lalaking pato, tagakasta; kung sa baboy, barako; at kung sa baka, toro. Hindi pilay na pato.

At hindi rin angkop kay Gov. Riano yong pangalawang definition — an ineffectual or unsuccessful person or thing — kasi marami agad syang nagawa sa loob pa lamang ng isang buwan. Lalo na sa larangan ng kalusogan na sa wari ay napakahirap gawin kasi hindi ito naisagawa sa loob ng 9 na taon ng kanyang predecessor na isang doktor mismo. Narito ang summary ng kanyang one-month achievement sa larangan ng kalusogan:

DEAD DUCK
A person or thing that is defunct or has no chance of success.

Ang “defunct” eh applicable sa dating gobernador kasi tapos na ang kanyang term. Applicable rin sa kanya ang “no chance of success” kasi 12 years in office (3 as congressman and 9 as governor) eh hindi man lang nakapundar ng mga needed hospital equipment at lalo pang lumala ang ating mga hospital at health services. Sangkatutak ang mga pamilyang nagreklamo sa balasubas na palakad sa ating mga ospital at health centers, kasama na ang sarili kong pamilya. Kaya tuloy pati mga ordinary diseases na nasolbar na noon pang 19 kopong kopong ay naging sanhi pa rin ng kamatayan sa Romblon.

Eh paano kung kumandidato sa 2022 at muling manalo? Sa ganung scenario, kung mangyari man yon, matatawag pa rin ang ganung klaseng opisyal na isang dead duck kasi no chance of success nga dahil walang puso at utak na mamuno. Iba kasi yong magwagi sa halalan at iba rin yong magampanan ng maayos ang tungkoling nakaatang sa balikat.

QUICK DUCK
A live duck
A fast duck

Sa matalinghagang kahulogan, bagay kay Gov. Otik ang katagang “a live duck”. Kasi incumbent sya at mahaba pa ang tatakbohin ng kanyang unang termino. Kung ipagpapatuloy nya ang maganda nyang nagawa sa unang buwan ng panunungkolan, malamang matutuwang dugtongan ng ating mga kababayan ang kanyang natitirang 35 months ng karagdagang 72 months.

Isang buwan na mula manumpa sa kanyang tungkolin noong June 30, 2019 ang bagong gobernador Jose Riano. (Photo from the FB page Jose “Otik” Riano)

“A fast duck”. Bagay rin yan kay Gov. Otik ang deskripsyon na ganyan kasi mabilis sya tumupad ng kanyang campaign promises, partikular sa usaping pangkalusogan. First day in office eh palabas agad sya ng kanyang 1st executive order na nagbabawal sumingil ng karagdagang professional fee sa government hospitals sa ating lalawigan. Eh ano kung may first version at second version yong EO? Ang mahalaga ay yong diwa nito at ang kabutihang idinulot nito sa ating mga kababayan.

Maanghang at masarap na adobong pato, luto ni Shahani Mabunga Reyes. (Photo by Mycka Ann)

Kawawa naman ang mga keyboard warriors ng Team Lobongdayon. Dahil walang substantive issues na makita eh yong grammar ng mga dokumento at komuniskasyon ng Kapitolyo ang madalas batikosin ngayon. Tumindi ang pagka-grammar police. Pero 3X na mas marami ang grammatical errors ng kanilang kampo — kasama na ang kanilang mga poste sa Facebook at official communications ng kanilang opisyales. Kahit bilangin pa nila!

Eh paano na kung tulongan namin ang Kapitolyo sa pag-asikaso sa grammar, eh di lalong wala nang mababatikos ang mga kritiko. Lalo pa siguro kung turoan ko ang mga taga-Kapitolyo ng kakaiba kong pag-ispeling sa Tagalog! Mwahaha!

SITTING DUCK
A critic like Mr. Caleb Tibio who is posting claims and assertions that can be easily shot down.

Sabi pa ni Caleb: “Ang layo kc si TikO kay Nong Lolong…maging sa expertise, character, public relation, education, maturity, management style, working habits and leadership abilities.”

Guniguni mo lang yan, G. Tibio. Ang tinutukoy mo ba ay yong milyones na pagdelehinsya sa hatchery project sa Canduyong? Yong di matapostapos na mga kalsada at gusali pero ubos na ang pondo? Yong bertdey pakain na nakakarga sa Kapitolyo ang gastos at pinapirma raw pati empleyadong hindi naman kumain ni sumungaw? Yong katawa-tawang inauguration ng mga di pa tapos na mga proyekto kasama na ang isang malaking butas sa lupa? Yong pagtambak ng physician-cronies at political supporters sa RPH at iba pang government hospitals na anila’y halos mga walang silbi at inuubos lang ng pasweldo sa kanila ang budget for health and medical purposes? Yong iba-ibang raket sa gamot at iba pang anomalya sa ating mga hospital (partikular sa RPH), lalo na yong may kinalaman sa PhilHealth? Yong mga infra projects na mahirap makahanap ng contractor dahil umano sa malaking porsyentong hinihingi? O, stop muna tayo dyan. Naparami na ang ating mga tanong.

Dagdag pa ni Caleb: “Ang Team Butiki …hindi ako believe sa mga think-tank nila maging sa pag conceptualize ng programs or projects, Team Botika na lang is confined to medical services, so what’s next? eh papano kung hindi mo field of expertise? Eh di nga nga!”

Intro ni Joy Cruz sa screen shot ni Caleb Tibio na ipinaskel nya sa FB group Romblon Politics: “WOW!!!DUMALI SI MR CALEB TIBIO! SOBRANG ANG GALING MO!!! REMEMBER ITO YUNG TAONG NAG POST YUNG TUNGKOL K MAYOR SALEM NA PURO PANINIRA NA BINARA DIN KASI PAWANG KASINUNGALINGAN LAHAT.. NGAYON SI GOV OTIK NAMAN ANG NAKITA NYA…” Para mabasa ang mga comments, click here.

Di baleng Team Butiki huwag lang Team Buwaya, ehek! Sa ating mga mambabasa, huwag na po kayong magtaka sa mga hingwaran (name calling) sa social media. Uso po yan sa mga Romblomanon at dapat nating pagpasensyahan, peks man, cross my heart!

Naalala ko tuloy yong paliwanag ko kay Shell product design awardee Z Vintola noong March 1989 sa kabisera nung pintasan nya yong mga taga-Sibuyan na mababait raw pag magkaharap pero nagsisira-siraan pag nakatalikod: “Alam nyo po, sa ibang lugar ang magkakalaban sa politika, nagbabarilan, nagsasaksakan, nagpapatayan. Dito sa aming probinsya ang tanging outlet for violence ay tsismisan, daldalan, sira-siraan.” Tamang tamang ka-assasinate lang noon kay Cong. Moises Espinosa sa Masbate airport kaya may pwersa ang aking tinuran. Tas tinanong ko sya, kung saang lugar nya gustong tumira — doon ba sa may barilan, saksakan at patayan o doon sa may tsismisan, daldalan at sira-siraan? Ang pobreng Z Vintola, hindi makasagot o sadyang ayaw sumagot pero banayad ko syang tinitigan mata sa mata habang matyagang hinihintay ang kanyang sagot. Sa wakas, sumagot rin sya: “Doon sa may daldalan.”

Nang ikwinento ko ang nangyari kay Ramon Maines na taga-kabisera, editor-in-chief noon ng dyaryo ng ating provincial government, tawa sya ng tawa at nais nyang gawin ang kwento na guest editorial!

Sabi ni Caleb: “hindi ako believe sa mga think-tank nila maging sa pag conceptualize ng programs or projects, Team Botika na lang is confined to medical services, so what’s next?” Nice try! Gusto nyang ilayo ang usapan sa medical services kasi dyan ngayon tumututok si Gov. Riano at hindi mapakali ang mga masugid na tagasuporta ng tagakabilang luyo. Pwera kasi sa grammar at saka format in writing, wala silang matino-tinong pangsagot sa magagandang ginagawa ng bagong gobernador sa larangan ng medical services. Hands up sila! Dahil lalo lang nahahalata ang balasubas at maanomalyang palakad nang nakaraang mga taon. Gusto nilang ibang larangan ang pag-usapan.

Donald Duck, the most famous duck of them all.

“So what’s next?” tanong ni G. Tibio. Antay-antay po muna kayo, mahina ang kalaban. Eh hindi nga naayos ng dating gobernador ang problema sa medical field sa loob ng siyam na taon, mamadaliin mo si Gov. Riano na isang buwan pa lang nakaupo na gawin agad-agad ang iba’t ibang bagay?

Tanong at sagot ni Caleb: “eh papano kung hindi mo field of expertise? Eh di nga nga!” Excuse me, hindi field of expertise ni Gov. Riano ang medical services pero nagagampan nyang maayos ang kanyang tungkolin. Pero yong may field of expertise sa medical field, yon ang tunay na nganga for 9 years.

Kung talagang nagmamadali si Mr. Tibio, pwede nating sariwain sa kanyang isipan ang mga nagawa na ng Team Botika — halimbawa sa larangan ng infrastructure. Baka naman sabihin nyang hindi ito maii-credit kay Gov. Riano. Dyan sya nagkakamali. Dahil kung mapapansin, ang Team Botika ay may salitang “team”. Ibig sabihin yan ay magkakasama. Ibig sabihin nyan ay may team work. Kaya ang achievement ng isa ay pwedeng makibahagi ang iba. Ganito ang formula dyan:

📣 Sa mga achievements ni Cong. Madrona, pwedeng makibahagi si Gov. Riano pati ang mga kaalyadong SP member, meyor, vice mayor, konsehal, kapitan, kagawad at supporter.

📣 Sa mga achievements ng mga kaalyadong meyor, kapitan, Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay, pwedeng makibahagi si Gov. Riano, Cong. Madrona at Team Botika supporters.

📣 Sa mga achievements ni Gov. Riano, pwedeng makibahagi si Cong. Madrona pati ang mga kaalyadong SP member, meyor, vice mayor, konsehal, kapitan, kagawad at supporter.

Isang team kasi yan — sama-sama, nagtutulongan. Dahil kung hindi, hindi sana sila ngayon nakapwesto, tama? Kaya, Mr. Tibio, ito na ang achievements ng Team Botika sa ibang larangan na hinihiling mo. Huwag kang mag-alala, magpoposte ng mga bagong larawan at mga bagong proyekto sa mga darating na araw, linggo, buwan at taon ang Team Botika. Pero sa ngayon, hayaang sumapat ang mga ito:

O di ba, kagimbal-gimbal ang pinaggagawa ng Team Botika?

Kaya Mr. Caleb, ingat-ingat lang po sa pag-comment lalo na sa maseselang paksa kung saan kailangan ang sapat na talino, kaalaman at katapatan. At huwag nyo pong maliitin ang kakayahan ng bagong halal na gobernador lalo na ng buong Team Botika. Baka po mapagkamalan kayong utak-pato o kaya ay gawin kayong sitting duck at tira-tirahan ng perdegones de laway, perdegones de tinta o kaya ay perdegones de pixel!

Other Romblon-related articles:

--

--

Jose Rizal M. Reyes
Jose Rizal M. Reyes

Written by Jose Rizal M. Reyes

Jose is a poet-philosopher. He writes poems and essays. He is best known as the inventor of many new sonnet rhyme schemes being used today around the world.

No responses yet