65%-35% ang labang Budoy Madrona vs. Lolong Firmalo sa Corcuera
… ayon sa isang konsehal
Ang pwesto ng Kongresista (o Representante) ng nag-iisang distrito ng Romblon ang siyang pinakamakapangyarihang elected position sa ating lalawigan. Sinomang mahalal na kongresista ang siyang pangunahing political leader ng ating probinsya. Kaya nga’t malimit na mas maigting at pinakaaabangan ang labanan sa pwestong ito. Kung baga sa isang team championship sa larong chess, pang-board 1 ang laban ng mga congressional candidates dito sa atin.
Hindi ito kagaya ng mga probinsyang may 2 o higit pang dami ng distrito at kongresista kung saan ang Gobernador naman ang syang pinakamakapangyarihang opisyal.
Ngayon, ayon sa aking bubuwit, nakasalubong umano kamakailan ni Gov. Eduardo “Lolong” Firmalo sa palengke ng Odiongan ang isang graduating SB member (three termer) ng Corcuera. Si Lolong ang pambato ng Liberal Party para sa pagka-kongresista at makakatunggali nya si dating congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona ng NP/PDP-Laban coaliton. Ang Corcuera naman ang nag-iisang munisipyo ng Simara Island. Tinanong daw ng gobernador ang lagay ng laban sa Corcuera. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa, prangkahan at buong katotohanang nagreport ang nasabing konsehal na 65–35 ang laban sa pagkakonggresista — 65% kay Budoy, 35% kay Lolong.
Dagdag pa ng konsehal sa aking impormante, kapag umandar na ng husto ang makinarya at pondo ng magkabilang partido, baka bumaba pa sa 80–20 ang laban — 80% kay Budoy, 20% kay Lolong. Hindi na nabanggit ng aking bubuwit kung ano naman ang naging reaksyon ng gobernador sa ulat ng konsehal.
(Unang naipost sa FB group Romblon Insider noong Enero 11, 2019.)
Related Articles:
- 5 reasons why we should vote for Budoy Madrona for congressman
- 7 reasons why a Romblomanon voter and his family support Budoy Madrona
- Otik Riano, landslide win kay Bong Fabella sa online poll for governor, 78%-22%
- Madrona pinisak si Firmalo sa latest online survey, 69%-31%
- A (not so) civil war erupts in Team Firmalo’s SocMed camp
- Panawagan sa Keyboard Warriors at SocMed Debaters: Mag-research-research pag may time